PLDT, Smart nagbigay ng one-month extension sa pagbabayad ng bill

0
30

Nagbigay ng isang buwang extension ang PLDT at Smart sa pagbabayad ng bill ng kanilang customers.

Ayon sa kumpanya, ito ay bilang konsiderasyon sa kanilang customers na hindi makalabas para makapagbayad ngayong umiiral ang community qurantine sa Metro Manila.

Tiniyak ng mga ito na hindi puputulan ng linya ang mga hindi nakakabayad lalo umano ngayon na may mga naka-work from home.

Sakop ng 30-day payment extension ang mga postpaid customer ng PLDT Home, PLDT Enterprise, Smart at Sun.