PSG nagpatupad ng mas mahigpit na health protocols sa Malakanyang

0
26

Nagpatupad ang Presidential Security Group (PSG) ng mas mahigpit na health protocols laban sa COVID-19 sa Malakaniyang.

Ayon sa PSG maliban sa pagdaan sa thermal scanner, kailangan na rin ngayon na mag fill up ang mga empleyado ng health declaration.

Nakasaad dito kung ang isang empleyado ay nakakaramdam ng sipon, lagnat, pamamaga ng lalamunan o hirap sa paghinga.

Aalamin din kung ang isang empleyado ay may travel history sa bansang may kaso ng COVID-19 o nanggaling sa isang ospital na may naitalang positibo sa sakit.