Unang kaso ng COVID-19 sa Turkey naitala

0
21

Nakapagtala na rin ng kauna-unahang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang Turkey.

Ayon kay Turkish Health Minister Fahrettin Koca, isang lalaking Turkish citizen na may sintomas ng mataas na lagnat at pag-ubo ang nakumpirmang positibo sa covid-19 matapos ang isinagawang mga pagsusuri.

Dagdag pa ng opisyal, nasa mabuting kondisyon ang lalaking pasyente habang isinailalim na sa observation ang mga taong nagkaroon ng close contact rito.

Una nang sinabi ni Koca na mataas ang posibilidad na mayroon na ring outbreak ng COVID-19 sa kanilang bansa ngunit hindi pa lamang nakukumpirma ang mga kaso nito.