COVID-19 death toll umakyat na sa 4,270

0
19

Umakyat na sa 4,270 ang bilang ng naitalang nasawi dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Nananatiling pinakamarami ang nasawi sa China kung saan 22 ang nadagdag sa magdamag dahilan para pumalo ito sa 3,158.

Samantala, nakapagtala naman 977 na panibagong kaso sa Italya sa magdamag –sa kabuuan ay mayroon nang 10,149 na kaso sa nasabing bansa.

Mabilis din ang pag-akyat ng bilang ng kaso ng sakit sa Iran na nakapagtala ng 881 na panibagong kaso sa magdamag.