10 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal

0
9

Patuloy pa rin ang naitatalang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Batay sa volcano bulletin ng PHIVOLCS, 10 volcanic earthquakes ang kanilang naitala sa loob lamang ng 24 oras.

Patuloy din ang pagbuga nito ng steam-laden plumes na may taas na aabot sa 50 hanggang 100 metro.

Dagdag pa ng PHIVOLCS, nananatili sa alert level 2 ang Taal Volcano kaya’t posible pa ring makaranas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall at expulsion ng volcanic gas.

Kaya naman mahigpit pa ring ipinagbabawal na makapasok sa paligid ng Taal Volcano Island at sakop na permanent danger zone ng bulkan.