UN special rapporteur hinimok ang pamahaan na ibasura ang kaso vs. Ressa

0
59

Hinimok ng United Nations Special Rapporteur on Freedom of Expression ang pamahalaan na ibasura ang mga isinampang kaso laban sa news website na Rappler at CEO nito na si Maria Ressa.

Sa isang pahayag, sinabi ni UN Special Rapporteur on Freedom of expression David Kaye, ginagamit ang isinapang kasong tax evasion laban kay ressa at sa Rappler na kilalang kritiko ng administrasyong Duterte para i-censor o pigilan ang mga ito.

Ayon kay Kanye, maituturing itong isang seryosong banta laban sa kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas na posibleng magkaroon na epekto sa hinaharap.

Magugunitang, sinampahan ng kasong paglabag sa tax code si Ressa matapos umanong mabigong ideklara sa 2015 tax returns ng Rappler Holdings Corporation ang kanilang kinita sa pag-iisyu ng Philippine depository receipts.