Iginagalang ng Malakanyang ang pasiya ng Sandiganbayan na ipawalang sala si dating Senador Bong Revilla Jr. sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.
Gayundin ang hatol na guilty kina Janet Lim Napoles at chief of staff ni Revilla na si Atty. Richard Cambe.
Ayon kay Panelo, ginagampanan lamang ng Sandiganbayan ang mandato nito ayon sa konstitusyon.
Sa kabila aniya ng madalas na pagiging mabagal ng hustisiya, wala pa rin dapat ikabahala dahil sa huli ay naghahatid pa rin ang hukuman ng tama at tiyak na hatol.
Dagdag pa ni Panelo, batay sa isinasaad ng batas, maaari pa rin namang umapela ang magkabilang panig kung sa kanilang palagay ay naagrabiyado sila sa desisyon ng Sandiganbayan.
Kasabay nito tiniyak ng Malakanyang na ginagamit nila ang nabanggit na kaso bilang aral para masigurong ang integridad at tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan.