29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Umano’y overpricing sa cremation ng mga nasawi sa COVID-19 pinaiimbestigahan

- Advertisement -

Pinapaimbestigahan ng ilang kongresista sa pamahalaan ang overpricing sa cremation ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na maaaring kinasasangkutan ng mga funeral parlors at ospital.

Ito at matapos na makarating sa tanggapan nina House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Representative Carlos Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang pagsingil umano ng mga punerarya ng P45,000 hanggang P75,000 sa mga pamilya na namatayan dahil sa COVID-19.

Kasabay nito, hinihikayat ng mga mambabatas ang gobyerno na bayaran ang cremation services ng mga biktima ng COVID-19 bilang bahagi na rin ng serbisyo publiko lalo na sa mahihirap na pamilya sa gitna na rin ng krisis.

Iginiit ni Zarate, may sapat namang pondo ang pamahalaan para tugunan ang krisis sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -