31.9 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Go pabor na palawigin ang ECQ sa Luzon

- Advertisement -

Pabor si Senador Christopher “Bong” Go na palawigin pa ng ilang linggo ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) na nakatakdang magtapos sa ika-14 ng Abril.

Ayon sa senador, may kapasidad na ang gobyerno na makapagsagawa ng testing kung kaya’t patuloy ang paglaki ng bilang ng kasong nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Iminungkahi rin ng senador ang paghiwalay sa lahat ng COVID-19 patients sa komunidad upang mas mapabilis ang pagpigil sa kumakalat na virus.

Samantala, nakikiusap rin si Go sa taumbayan na manatili sa bahay at sundin ang panuntunan ng pamahalaan dahil ang kooperasyon at pagkakaisa aniya ang tanging sandata laban sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -