34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Duterte muling nanawagan sa publiko na manatili sa mga tahanan vs. COVID-19

- Advertisement -

Muling nananawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na manatili sa kanilang mga tahanan sa kasagsagan ng giyera ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa pangulo, isa itong solusyon upang hindi mahawa sa sakit.

At kung tatanungin aniya kung paano ang kanilang pagkain ay iminungkahi naman ng presidente na maghanap ng paraan.

Ano solusyon? ‘Wag ka mahawa. Papaano po? Mag-stay ka sa bahay. Paano pagkain namin —maghanap ka ng paraan,” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo na importante ang pagsusuot ng face mask tuwing lalabas sa kani-kanilang mga bahay.

Samantala, magugunitang hinikayat ng gobyerno noong April 2 ang lahat ng residente sa Luzon na magsuot ng face mask o facial protective gear kung kinakailangang lumabas ng kanilang mga tahanan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -