Saturday, May 4, 2024

Umano’y ‘overpriced’ speed guns pinaiimbestigahan ng Palasyo

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan ng Malacañang ang napa-ulat na pagbili ng Philippine National Police (PNP) sa overpriced radar speed guns.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalan ng procurement power ang PNP.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, ikinagalit ng pangulo ang pagbili ng overpriced radar speed guns kung kaya’t tiyak na kanila itong sisiyasatin.

Magugunitang nabanggit ng pangulo sa kanyang talumpati sa Taguig City kamakailan lang ay P10,000 lamang ang kada unit ng speed guns sa Davao City kumpara sa binili ngayon ng PNP na papalo sa halos P1-milyon kada isa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img