31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

PHIVOLCS pinaiimbestigahan ng isang kongresista

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan ng isang kongresista ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon kay Cavite Representative Elpidio Barzaga, hindi kasi naipabatid sa publiko ang napipintong pagsabog ng Bulkang Taal kung talagang nagsagawa ng komprehensibong monitoring ang PHIVOLCS.

Aniya, March 2019 pa lamang ay nakataas na sa alert level 1 ang status ng bulkan ngunit hindi manlang naabisuhan ang mga kalapit na lugar gaya ng Cavite, Laguna at Batangas.

Iginiit rin ng mambabatas na walang news bulletin o SMS alert ang PHIVOLCS at maging ibang ahensya ng gobyerno kaugnay sa lagay ng bulkan kung kaya’t marami pang tao at turista na nagsipag-akyatan sa Taal.

Samantala, pinasisiyasat rin ni Barzaga ang pagpayag na pagtira sa mga tao sa 14-kilometer danger zone na delikado para sa maraming residente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -