Umano’y ‘onerous’ sa contract para sa utang ng PH sa China itinanggi ng Palasyo

0
45

Itinanggi ng Malakanyang na mayroong collateral at onerous ang kontrata para sa utang ng Pilipinas sa China.

Itinuturing na onerous ang isang kontrata kung mas malaki ang gastos para matupad ang nakasaad sa kasunduan kumpara sa benepisyong makukuha mula rito.

Kinontra ni Panelo ang alegasyon ng mga kritiko na maaaring kumpiskahin ng China ang gas reserves sa Reed Bank kung mabibigo ang gobyerno na bayaran ang P3.5 billion loan para sa Chico River irrigation project.

Ipinaliwanag ni Panelo na maaari namang gamitin ng gobyerno ang mapagbebentahan ng gas reserves sa Reed Bank upang may maipambayad sa China.