Pangulong Duterte minarkahan ang sarili sa paggampan ng tungkulin

0
64

Lima hanggang anim na puntos.

Ito ang ibinigay na marka o grado mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang sarili sa paggampan sa tungkulin.

Sinabi ng pangulo na unti-onti na niyang natutugunan ang problema sa iligal na droga, korupsyon, kriminalidad at iba pa.

Inamin ng pangulo na bagama’t aktibo ang anti-drugs campaign ng gobyerno lalo pang lumala ang problema sa iligal na droga.

Tiniyak ng pangulo na tatapusin niya ang lahat ng kaniyang mga naipangako hanggang sa kaniyang termino sa taong 2022.