Basketball fans may special treat mula sa PBA

0
58

Magbibigay ng special treat ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa kanlang fans sa susunod na buwan.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-apat naput apat na anibersaryo ng liga sa buong buwan ng Abril.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, special number para sa kanila ang 44 kaya’t magbibigay sila ng 44 percent discount sa ticket prices partikular sa upper box at gallery sa pag-arangkada ng 2019 PBA Philippine Cup Playoffs.

Bukod dito, ipinabatid ni Marcial ang ira-raffle na 44 special prizes para sa mga manunuod ng laro at ililibre ang apat na PBA fans na ipinanganak nuong April 9, 1975 na siyang pagbubukas ng PBA.

1975 nang magsimula ang PBA bilang kauna unahang professional basketball league sa Asya tampok ang mga koponan ng Crispa Remanizers, Mariwasa-Noritake, Presto Ice Cream, Seven Up Uncolas, Toyota Comets at U/Tex Weavers.