Thursday, May 2, 2024

Umano’y ‘hospital pass for sale’ nakatakdang imbestigahan — NBI

- Advertisement -

Nakatakda nang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y “Hospital pass for sale” sa loob ng Bureau of Correction (BuCor).

Ito ay gitna ng kontrobersiyang “GCTA for sale” kung saan inamin ng testigong si Yolanda Camelon sa pagdinig ng senado na nagbayad siya ng P50,000 para sa paglaya ng kanyang bilanggong asawa.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Deo Marco, nais nilang siyasatin ng NBI ang panibagong ulat na ginagawa ring raket ng mga BuCor ang hospital passes.

Una rito, napaulat na pinagka-kakitaan ng mga tiwaling opisyal ng BuCor ang ‘Hospital referral official pass’ kung saan sinasamantala ito ng mga mayayaman na bilanggo upang makalabas ng kulungan kahit wala naman silang sakit.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senator Christopher Bong Go na dapat ding tutukan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang nasabing katiwalian sa BuCor.

We have received reports that some inmates were moved into the New Bilibid Prison hospital by faking their illness and buying the so called ‘Hospital refferal pass’ from BuCor employees. Hindi lang pala ang GCTA ang for sale, pati ang hospital pass ay for sale na rin pala — Sen. Bong Go.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img