Umakyat na sa 7 ang nasawi sa pamamaril sa Texas, USA

0
46

Umakyat na sa 7 ang kabuuang bilang ng nasawi sa panibagong insidente ng pamamaril sa Texas, USA.

Ayon sa inisyal na report ng mga otoridad, maliban sa mga nasawi mayroon pang 21 sugatan na kinabibilangan ng isang taong gulang na batang babae na nabaril sa mukha.

Gayunman, hindi naman muna tinukoy ng Midland Police ang pagkakakilanlan ng suspect na kabilang din sa mga nasawi.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng suspect sa pamamaril.

Samantala, nagpaabot na rin naman ng pakikiramay si US President Donald Trump sa mga kapamilya’t kaibigan ng mga nasawi, ngunit iginiit nito na hindi pa rin dapat higpitan ang proseso ng pagbili ng baril sa Estados Unidos.

Ang naturang mass shooting ay kasunod lamang ng nanyaring pamamaril sa El Paso, Texas na ikinasawi naman ng 22.