Binatikos ng Malacañang si ex-SC spox Theodore Te sa pahayag nito sa mga presong nakalaya dahil sa GCTA

0
50

Binatikos ng Malacañang ang naging pahayag ni dating Supreme Court Spokesman Theodore Te na labag sa batas kung pababalikin pa sa kulungan ang halos 2,000 preso na nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ito ay matapos igiit ni Te na sa ilalim ng article 99 ng revise penal code, hindi maaring ma-revoke ang GCTA.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi labag sa batas kung babalik sa kulungan ang mga bilanggo.

Aniya, nakasaad naman sa GCTA na may kaakibat itong kundisyon.

Paliwanag ni Panelo, kung mali ang pagpapatupad ng naturang batas at hindi naman kuwalipikado ang mga inmate sa kundisyon ng GCTA ay maari itong ibalik sa kulungan.

Sa ngayon, nakasalalay pa sa desisyon ng Dept. of Justice (DOJ) kung muli nitong ipaaresto ang mga nakalayang bilanggo.