Ilang kompanya ng langis may rollback

0
48

Magandang balita para sa mga motorista.

Nag abiso na ng tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang mga kompanya ng langis.

Batay sa anunsiyo ng Sea Oil, epektibo mamayang 6:00 ng umaga ang 10 sentimos na bawas presyo sa kada litro ng diesel, habang nasa 15 sentimos naman tapyas presyo sa kada litro ng kerosene.

Nasa 10 sentimos din naman ang ipatutupad na tapyas presyo ng Petro Gazz sa kada litro ng diesel.

Una rito, nauna namang nagpatupad ng oil price rollback ang Cleanfuel kung saan nasa 20 sentimos ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel.

Sa ngayon, inaasahan din namang mag-anunsiyo pa ng rollback ang ilang kumpanya ng langis sa darating na Martes.