Umakyat na sa 10 ang kaso ng COVID-19 sa PNP

0
14

Sumampa na sa sampung tauhan ng Phil. National Police (PNP) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos ng PNP, isang 55anyos na lalaki, 45 anyos na lalaki at 42 anyos na lalaki mula sa Northern Luzon ang panibagong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Sumampa naman sa 152 ang bilang persons under investigation (PUI) dahil sa posibleng pagkahawa sa virus.

Una rito, binuksan na ng PNP ang Kiangan Billeting Center sa loob ng Camp Crame bilang quarantine site para sa mga tauhan ng PNP na sasailalim sa self-quarantine habang nasa tatlong gusali naman sa NCRPO at Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang itinalagang quarantine areas.