33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Ilang pamilihan nagtaas ng presyo ng bigas

- Advertisement -

Nagtaas na ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan.

Ayon sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ito ay bunsod ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon, kung saan apektado na ang delivery o ang pagpasok ng suplay ng bigas sa metro manila.

Batay sa ulat, aabot sa P3 ang itinaas ng kada kilo para sa lahat ng uri ng bigas, gaya na lamang ng regular milled rice na ngayo’y nasa P37 na ang kada kilo mula sa dating P34 kada kilo.

Ayon kay Rosendo So, Chairman ng SINAG, kung hindi darating sa Metro Manila ang suplay ng bigas ay maari itong mauwi sa artificial shortage.

Kaugnay nito, nabatid ding nagtaas ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan dahil apektado rin ang delivery ng mga ito.

Samantala, una na namang tiniyak ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na kumikilos ang pamahalaan para hindi maantala ang suplay ng pagkain sa Luzon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -