Kahit alisin ang ECQ, ipapatupad pa din ang health protocols kontra COVID-19 — Nograles

0
21

Ipatutupad pa rin ng pamahalaan ang mga umiiral na health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kahit na alisin na ang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ito ang binigyang diin ni Cabinet Sec. at Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) Spokesman Carlo Alexi Nograles.

Ayon kay Nograles, paiiralin pa rin ng pamahalaan ang ‘social distancing measures’ kahit na bawiin na ang ECQ sa Luzon na inaasahang magtatapos sa Abril 14.

Sinabi ni Nograles, ito ay upang matiyak na hindi magkakaroon ng massive local transmission ng COVID-19 sa bansa.

Hindi naman kasi aniya ibig sabihin na tinanggal na ang ECQ ay wala ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Una rito, nanindigan ang IATF na masyado pang maaga para pag-usapan ang posibleng pagpapalawig ng enhanced community quarantine.