31.1 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Ulat ng PACC ukol sa katiwalian sa PhilHealth gagamitin sa paghahain ng kaso, posibleng re-organization sa ahensya — Guevarra

- Advertisement -

Hawak na ng Task Force PhilHealth ang ulat ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at initial findings ng Senado kaugnay sa umano’y katiwalian sa PhilHealth.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Gueverra na siyang nangunguna sa imbestigasyon, gagamitin ang naturang mga impormasyon bilang lead o basehan ng Task Force sa paghahain ng legal action at magiging rekomendasyon ng Task Force kay Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na rito ang posibleng pagkakaroon ng re-organization sa ahensya.

Bukod sa report ng PACC, nagbahagi rin umano ang Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) ng kanilang ulat.

Una rito, napagkasunduan ng Task Force PhilHealth at PACC ang pagtutulungan para magkaroon ng masusing imbestigasyon ang mga alegasyong bumabalot sa PhilHealth.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -