Thursday, May 2, 2024

Ulat na may dumaong na barko ng China sa Zambales ‘Fake News’ ayon kay Lorenzana

- Advertisement -

Tinawag na Fake News ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang ulat na may dumaong umanong barko ng China sa pantalan ng Subic Zambales na walang pahintulot ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay Lorenzana, batay sa ikinasang pagsisiyasat ng PCG o Phil. Coast Guard at PNP Maritime Group, lumabas na hindi barko ng China kundi isang ya-te na pagmamay-ari ng isang negosyante nakabase sa Subic.

Kaugnay nito sinabi naman ni SBMA Administrator Wilma Eisma, nakarehistro ang nasabing Ya-Te na MV- Balena 2 sa SBMA Seaport Department na sinasabing pagmamay-ari naman ng isang Belgian Businessman na si Didier Ladriere.

Ipinag-utos ni Eisma sa kanilang Harbor Patrol na puntahan ang Yate dahil hindi ito sumasagot sa tawag sa Radyo pero Depensa ni Ladriere na siya ring piloto nito na walang tao umano sa VHF Radio ng nasabing sasakyang Pandagat

Kahapon, nabatid na naglibot at umangkla pa ang MV Balena II malapit sa Camayan Cove at Ocean Adventure Park kung saan, namataan umano ang ilang Chinese Nationals na siyang nagdulot ng alarma sa mga Netizen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img