Saturday, May 18, 2024

Panukalang Credit Assistance Program para sa mga pamilya ng mga bagong OFWS isinusulong

- Advertisement -

Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang Credit Assistance Program para sa pamilya ng mga bagong OFWS o Overseas Filipino Workers.

Sa ilalim ng Senate Bill Number 801 na itinutulak ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, nakasaad na ang mga bagong OFWS na may kontrata na sinertipikahan ng POEA ay maaring mapautang ng 50 libong piso mula sa OWWA.

Aniya, maari nila itong bayaran sa loob ng 12 buwan at may interes lamang ito na 6 na porsyento.

Paliwanag ni Revilla, tiwala siya na makatutulong ang utang upang maalalayan ang OFW pati na ang kaniyang pamilya sa mga unang buwan ng pagtatrabaho nito sa ibang bansa.

Batay sa datos ng PSA o Phil. Statistics Authority na aabot sa 2 point 3 million ang mga OFW sa ibang bansa na nagpapadala ng 235 point 9 billion pesos na halaga ng Remmittances.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -