Sen. Ronald Dela Rosa umaming tumanggap ng regalo noong siya’y pulis pa

0
46

“Tumanggap din ako noon”

Ito ang naging pag-amin ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa sa harap ng batikos na inani ng Pangulo Rodrigo Duterte matapos nitong ihayag na pupuwedeng tumanggap ng regalo ang pulisya mula sa publiko.

Ayon kay Dela Rosa, naging praktikal lamang siya kaya’t tumanggap siya

Ng regalo mula sa mga nagmamagandang loob.

Kwento nito, wala siyang magawa kundi tanggapin na lamang ang mga regalo kagaya ng mga pagkain, branded  na mga damit na ibinibigay sa kaniya, dahil aniya kusang loob naman itong ibinigay at wala namang hinihinging kapalit.

Nanindigan si CSC Commissioner Aileen Lizada na labag sa batas ang pagtanggap ng regalo ng pulisya kahit na kusang loob pa itong ibinigat.

Aniya, malinaw ang mga mekanismong nakapaloob sa R.A. ACT 6713 o ang Code of Conduct para sa PNP o Philippine National Police at R.A. 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Sa ilalim ng 6713, ipinagbabawal sa mga Public Officials ang pag-sosolicit, at pag tanggap ng regalo.