TV station hinimok ng ilang senador na iprotesta ang pagtaboy sa kanilang news team sa Scarborough

0
52

Hinimok ng tatlong senador ang GMA-7 na iprotesta ang ginawang pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa kanilang news team sa Panatag Shoal.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, hindi ito dapat palampasin dahil nasa teritoryo ng Pilipinas ang news team kaya’t malinaw aniyang pambu-bully ito ng naturang Chinese Coast Guard.

Naniniwala rin si Senador JV Ejercito na dapat itong kondenahin ng gobyerno dahil hindi na maganda ang kanilang ginagawa.

Nais naman samantalahin ni Senador Joel Villanueva ang naturang insidente upang igiit ang karapatan ng Pilipinas sa Panatag Shoal.

Magugunitang, pinalayas umano ng Chinese Coast Guard ang GMA-7 News Team na pinangungunahan ni Senior Reporter Jun Veneracion na naroroon upang gumawa ng dokumentaryo dahil wala raw itong permiso mula sa Chinese Government.