Sandiganbayan pinayagang makalabas ng bansa si Rep. Floirendo

0
45

Pinayagan na ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa si Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo.

Ito’y para sa isang linggong trip sa Turkey ni Floirendo kasama si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Batay sa desisyong inilabas ng Sandiganbayan kanilang pinahintulutan ang urgent motion for leave ng kongresista.

Sa paliwanag ni Floirendo, binigyang diin nito na nuong Nobyembre 27 lamang niya natanggap ang imbitasyon sa nasabing byahe.

Si Floirendo ay nahaharap sa kasong graft, kaugnay sa umanoy kwestyonableng land deal ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) sa Bureau of Corrections (BuCor).