Sunday, May 5, 2024

Mangudadatu inalok ng P100-M para umatras sa Maguindanao Massacre case

- Advertisement -

Ibinunyag ni Maguindanao Gov. Esmael Mangundadatu na inalok siya ng P100 million para umatras sa pagsusulong ng kaso kaugnay sa Maguindanao Massacre.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar kung saan sakaniya ito sinabi ng gobernador kasabay ng ika-siyam na taong anibersaryo ng malagim na krimen.

Ayon kay Andanar, batay sa naging salaysay ni mangundadatu, inialok sa kaniya ang pera pagkatapos lamang maisampa ang mga kasong kriminal laban sa pinaniniwalaang mastermind ng masaker na sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at anak na si Andal Jr.

Sa pamamagitan aniya ng isang tauhang lalaki na kinilala nitong si Ariel Galindez, ipinadala rito ang pera upang ibigay sa kaniya.

Ngunit matapos niya itong makausap at tanggihan ang alok na pera, ay naaksidente si Galindez na ikinasawi nito.

Kasamang nagtungo ni Andanar sa bayan ng ampatuan si Usec. Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img