Monday, April 29, 2024

Tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte karapatang malaman ng publiko —media watchdog

- Advertisement -

Binigyang diin ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) na karapatan ng publiko na malaman ang tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Melinda De Jesus, executive director ng CMFR, ang kalusugan ng Pangulong Duterte ay maituturing na public concern dahil dapat na matiyak sa publiko na kaya pang gampanan ng pangulo ang kaniyang tungkulin bilang presidente ng bansa.

Sinabi ni De Jesus na kailangan ng Pilipinas ng pinuno na kayang gampanan ang kaniyang mga responsibilidad bilang lider ng isang bansa.

Dagdag pa nito, tanging mga health experts lamang ang makapagsasabi hinggil sa lagay ng kalusugan ng Pangulong Duterte.

Una rito, binigyang diin naman ng Malacañang na nasa maayos ang kalagayan ng kalusugan ng pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -