Tumataas ang bilang ng kaso ng Dengue sa Bansa

0
69

Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng Dengue sa bansa.

Batay ito sa pinaka huling datos na inilabas ng DOH o dept. Of health, kung saan pumalo na sa 167 libo ang kaso ng Dengue sa bansa mula Enero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Health Undersecretary  Eric Domingo, 661 na ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa Dengue.

Aniya, ito ang isa sa mga pinakamataas na Dengue Cases sa Pilipinas kung saan sa kauna-unahang beses ay nagdeklara ng National Dengue Epidemic.

Dagdag pa ng Health Official, posible ring malampasan ang mahigit  200 libong kaso ng Dengue na naitala sa buong taon ng 2018.

Kaugnay nito tiniyak rin naman ni Domingo na mahigpit ang pagbabantay ng DOH sa NCR at Ilocos Region dahil lagpas na ang mga ito sa alert threshold.

Ani Domingo, patuloy rin na nakikipag ugnayan ang Regional Offices ng DOH sa iba pang ahensiya ng gobyerno para masiguro na sapat ang mga hakbang na ipinatutupad para mabawasan ang Dengue sa bansa.

Samantala, inamin rin naman ni Domingo na kailangan munang isailalim sa masusing pag aaral ang panukalang muling ibalik ang kontrobersiyal na Dengvaxia Vaccine.