18 katao sa Ozamis City isinugod sa ospital dahil sa pagkain ng isdang Butete

0
44

Pumalo na sa 18 katao sa Ozamiz City ang isinugod sa Ospital matapos malason dahil sa pagkain ng Puffer Fish o Isdang Butete.

Ayon sa City Health Office ng Ozamis, agad na dinala sa Ospital ang mga biktima matapos na makaranas ng pagsusuka at pagkahilo ilang matapos kumain ng Isdang Butete.

Isa umanong residente ang nakahuli na 4 na kilo ng Puffer Fish, kaya’t niluto niya ito at ibinahagi sa kaniyang mga kapitbahay.

Sa ngayon, hawak na at susuriin ng mga otoridad ang sample ng nilutong Puffer Fish.