Pumalag ang DND o Dept. Of National Defense sa sunod-sunod na pag-pasok ng mga barko ng China sa bansa.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, 4 na beses na pumasok sa Sulu Sea at Sibutu Stait ang mga Chinese Ships sa nakalipas na mga buwan kung saan wala itong permiso mula sa pamahalaan.
Aniya, pinaka huli dito ang pagdaong ng Dong Fang Hang sa Ilocos Norte at isa pang barko na nakita naman sa karagatang sakop ng Bicol Region.
Binigyang diin ni Lorenzana na kung walang itinatagong misyon ay hindi dapat patayin ng mga Chinese Vessels ang kanilang AIS o Automatic Identification System kapag dumadaong ang mga ito sa karagatang sakop ng bansa.
Kaugnay nito, aminado rin naman si Lorenzana na walang kakayahan ang pilipinas na bantayan oras-oras ang kalagayan ng mga karagatan ng bansa lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea.
Sa ngayon, pinag aaralan na rin ng pamahalaan ang panibagong reklamong isasampa sa China dahil sa pangyayari.