Sunday, May 5, 2024

Tulong ipapadala para sa mga Pinoy na naapektuhan ng bagyo sa Marianas

- Advertisement -

Bibigyan ng ayuda ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong apektado ng bagyo sa ilang bahagi ng Northern Marianas sa Pacific Ocean.

Ipinabatid ng DFA na magpapadala sila ng mga team sa Philippine Consulate General sa Agana sa mga isla ng Tinian at Rota na sinalanta ng Typhoon Yutu o Bagyong Rosita na nanalasa rin sa Pilipinas.

Nabatid na halos 600 Filipino ang nakatira sa Tinian habang 300 naman sa Rota.

Samantala, dalawang foreign officials ang ipinadala sa Saipan, ang pinakamalaking isla sa Northern Marianas para tulungan ang 15,000 Filipino doon.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img