30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

3 weather stations sa West PH Sea binuksan ng China

- Advertisement -

Binuksan na umano ng China ang tatlong weather observation stations sa kanilang artificial station sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.

Ayon sa report ng South China Morning Post, inilagay ng China ang mga naturang istasyon sa Kagitingan Reef o Fiery Cross Reef, Subi Reef o Zamora Reef at Panganiban Reef o Mischief Reef na nasa Spratly Islands.

Inaasahang makapagbibigay ng mas tiyak na weather report ang mga nasabing istasyon para sa fishing vessels at iba pang barko sa rehiyon.

Sinabi naman ng spokesman ng Chinese Foreign Ministry na gagamitin ang weather stations para tiyakin ang navigational safety sa nasabing karagatan.

Magugunitang ilang civilian at military facilities tulad ng airports, solar power stations, ospital at iba pa ang umano’y itinayo ng beijing sa kanilang man-made islands.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -