Kumpanya ng pamilya Villar umatras na sa bidding para sa 3rd telco

0
63

Umatras na sa bidding para sa ikatlong telecommunications player ng bansa ang Streamtech Systems Technologies Incorporated na pag-aari ng pamilya Villar.

Ipinabatid ng Pangulo ng kumpanya na si Paolo Villar, anak nina dating Senador Manny Villar at kasalukuyang Senador Cynthia Villar na nagpasya silang huwag nang tumuloy sa bidding at sa halip ay pagtuunan na lamang ng atensyon ang expansion programs at strategies ng kumpanya.

Magugunitang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11089 na nagbibigay ng prangkisa sa Streamtech na may kapangyarihang magtayo, magkabit, mag operate at mag maintain ng telecommunications systems sa bansa.

—-