Trust ratings ni VP Robredo bahagyang bumaba

0
43

Bahagyang bumaba ang trust rating ni Vice President Leni Robredo.

Batay sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS), 59 na porsyento ang nagsabing may “much trust” sila kay Robredo samantalang 21 porsyento naman ang nagsabing may “little trust” sila sa bise presidente samantalang nasa 21 percent din ang undecided.

Nakasaad sa survey na ang trust rating ni Robredo ay nasa positive 38 na maituturing bilang “good” subalit mas mababa ito ng dalawang puntos sa good at positive 40 ratings ng vice president nuong Hunyo.