10 pang kaso isinampa sa DOJ vs. ex-DOH Secretary Garin kaugnay sa dengvaxia

0
41

10 pang kaso ang isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban kay dating Department of Health (DOH) Secretary Janet Garin at iba pang mga opisyal kaugnay sa kontrobersya sa dengvaxia.

Si DOH Secretary Francisco Duque III ay inakusahan ng obstruction of justice sa dalawa sa mga nasabing kaso na isinampa sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO).

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide ang mga respondents na kinabibilangan ng tatlumput anim na dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, mga opisyal ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng dengvaxia at local distributor nitong Zuellig Pharma.

Tulad ng naunang 17 reklamo, ang mga bagong batch ng kaso ay may kinalaman sa paglabag sa Anti-torture Act of 2009 at Consumer Act of the Philippines.