Trump nagpadala ng birthday wish kay North Korea Leader Kim Jong Un

Trump nagpadala ng birthday wish kay North Korea Leader Kim Jong Un

by Powered by DWIZ
22 views

Tinawag na “great idea” o kahanga-hanga ni South Korean President Moon Jae-In ang naging hakbang ni US President Donald Trump na magpadala ng birthday wish kay North Korean Leader Kim Jong Un.

Ayon kay Moon, magandang ideya aniya ito para mas tumaas pa ang tsansa na muling mabuksan ang pag-uusap ng dalawang bansa hinggil sa denuclearization ng North Korea.

Sinabi ni Moon, binibigyang diin nito ang kagustuhan ni Trump na bumalik sa negotiation table kasama ni Kim.

Nitong nakaraang Sabado, kinumpirma ng North Korean authorities na natanggap nila ang pagbati ni Trump para sa kaarawan ni Kim.

0 comment

Related Posts