Saturday, May 18, 2024

Truck holiday sa Maynila umarangkada na

- Advertisement -

Umarangkada na ang limang araw na truck holiday sa Maynila.

Sinimulan ito ng truck caravan kung saan mag motorcade ang mga trucks at trailer trucks sa kahabaan ng road ten sa Tondo, Maynila hanggang sa may Manila Hotel.

Ang truck holiday ay bilang protesta sa kawalan ng pagkilos ng pamahalaan sa port congestion o pagsisikip ng pantalan dahil sa mga walang lamang containers na hindi inaalis doon ng mga shipping lines.

Ayon kay Teodorico Gervancio, pangulo ng Inland Haulers and Truckers Association, nabawasan ang kanilang mga biyahe dahil sa pagsisikip ng pantalan.

Iprinoprotesta rin ng grupo ang planong phase out sa mga trucks na 15 taon nang ginagamit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -