Friday, May 3, 2024

Mga loan agreement ng Pilipinas sa China rerepasuhin ng DOF

- Advertisement -

Tiniyak ng Dept of Finance na muli nilang rerepasuhin ang mga pinasok na loan agreement ng Pilipinas sa China.

Ginawa ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang pagtiyak sa harap ng babala ni US Vice President Mike Pence na ang China lamang ang tunay na makikinabang sa mga malalabong pautang na ibinibigay nito sa mahihirap na bansa.

Dagdag pa ni Pence na ginagamit ng China ang debt diplomacy upang mapalawak ang impluwensya nito sa mundo.

Gayunman, sinabi ni Dominguez na noong una nilang pag aralan ang belt and road agreement sa China, malinaw naman na ito ay win win situation para sa lahat ng kalahok dito.

Layon ng belt and road initiative ng China na makapagtatag ng trade and infrastructure network upang maging tulay ng mga bansa sa Asya, Europe at Africa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img