Trillanes tinawag na baliktad ang hustisya sa ilalim ng Duterte administration

0
52

Tinawag ni Senador Antonio Trillanes IV na baliktad ang hustisya sa ilalim ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang reaksyon ni Trillanes kasunod ng pagpapaaresto sa kanya ng Davao City Regional Trial Court (RTC) dahil sa kasong libelo na isinampa sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio.

Ayon kay Trillanes, sa ilalim ng pamamahala ni Duterte ay pinalaya ang mga mandarambong habang ang mga kritiko naman ay ginagawang ng kaso para pilit na ipakulong.

Sa kabila nito, handa umano si Trillanes na isuko ang kanyang sarili sa mga otoridad sakaling lumabas na ang warrant of arrest laban sa kanya.

Aniya, sinabi ng kanyang mga abogado na hindi naman maaring maghain ang warrant of arrest para sa mga minor cases tuwing Biyernes, weekends at holidays sa ilalim ng circular ng Department of Justice (DOJ) kaya sa hindi na muna na niya isusuko ang sarili.

 Sa halip ay maghahain na lamang si Trillanes ng piyansa sa Lunes.

(with report from Cely Ortega-Bueno)