Ex-Sen. Revilla nakalabas na ng PNP Custodial Center

0
51

Nakalabas na ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center si dating Senador Bong Revilla matapos ang apat na taong pagkakakulong dito.

Matatandaang pinawalang sala ng sandiganbayan si Revilla sa kasong plunder na nag ugat sa pork barrel fund scam.

Pasado alas sais kagabi nang dumating ang release order sa kampo crame na nag uutos ng pag papalaya kay Revilla.

Sinalubong si Revilla ng kanyang may bahay na si Bacoor Mayor Lani Mercado, kanilang mga anak, mga malapit na kaibigan at mga supporter.

Dumiretso ang pamilya sa Imus Cathedral para sa isang misa at pagkatapos ay tumuloy sa Angel Memories Park para bisitahin naman ang puntod ng kanyang ina.

Naghihintay naman sa tahanan ng mga Revilla ang patriarka ng pamilya na si dating Senador Ramon Revilla Sr.


Kumpiyansa si dating Senador Jinggoy Estrada na ang acquittal ng kanyang kaibigan na si dating Senador Bong Revilla Jr. ay makatutulong para tuluyan na ring mabasura ang kanyang kasong plunder at graft na may kaugnayan sa pork barrel fund scam.

Matatandaang kahapon ay tuluyan nang nakalaya si Revilla matapos siyang ipawalang sala sa kasong plunder.

Ayon kay Jinggoy, ang acquittal ni Revilla ay pagpapakita lamang na napagkaisahan lamang sila ng nakalipas na administrasyon.

Aniya, patuloy ang kanyang pagdarasal na sana tulad ni Revilla ay tuluyan na ring malinis ang kanyang pangalan.

Matatandaang pansamantalang nakalaya si Estrada nuong Setyembre 2017 matapos na mag piyansa para sa kasong plunder.


Patunay lamang na mayroong naganap na krimen kaya naging guilty ang hatol ng Sandiganbayan

Patunay lamang na mayroong naganap na krimen kaya naging guilty ang hatol ng Sandiganbayan kina Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles at chief of staff ni dating Senador Bong Revilla na si Atty. Richard Cambe.

Ito ang naging reaksyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kasunod ng inilabas na desisyon ng korte kung saan pinawalang sala si Revilla.

Dahil dito, sinabi ni Aquino na sa halip na malinawan ay posible pang mag dulot ng pagkalito ang pag ka abswelto ni Revilla.

Sa ilalim ng administrasyon ni Aquino nang makasuhan at makulong si Revilla kasama sina dating Senador Juan Ponce Enrile at Jinngoy Estrada dahil sa pork barrel fund scam.