28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

JBC pinangalanan na ang 10 nominado sa bakanteng posisyon ng SC associate justice

- Advertisement -

Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pangalan ng sampung (10) nominado para sa bakanteng posisyon bilang Supreme Court (SC) associate justice.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary at JBC ex-officio member Menardo Guevarra, nakakuha ng tig anim na boto sina Court of Appeals (CA) justices Manuel Barrios, Japar Dimaampao at Amy Lazaro-Javier.

Limang (5) boto naman ang nakuha nina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, CA justices Ramon Cruz, Ramon Garcia at Mario Lopez.

Tig apat na boto naman sina CA Justice Apolicario Bruselas, Court of Adminstrator Jose Midas Marquez at dating Ateneo Law Dean Cesar Villanueva.

Ang mapipili ay papalit kay Associate Justice Noel Tijam na nakatakdang magretiro sa January 5.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -