Trillanes sinabing malaking problema ang ‘power nap’ ni Duterte sa PH

0
52

Itinuturing na ‘malaking problema’ para sa bansa ni Senator Antonio Trillanes IV ang hindi pagsipot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang pagpupulong sa ASEAN Summit, dahil nag ‘power nap’ o natulog ito.

Ayon kay Trillanes, ang ginawang pagliban na ito ng pangulo ay patunay lamang na iresponsable o may seryosong karamdaman ang pangulo kaya’t hindi na nito kayang gampanan ang kaniyang mga tungkulin sa bansa.

Matatandaang noong Miyerkules, hindi dinaluhan ni Pangulong Duterte ang limang event sa ASEAN Summit na ginanap, sa Singapore.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na, nakatulog ang pangulo dahil sa dami ng trabaho nito.

Ipinadala naman aniya ng pangulo si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddyboy Locsin bilang kaniyang kinatawan.