Monday, May 6, 2024

DENR isinusulong ang ‘basel convention’

- Advertisement -

Nagmungkahi ng isang kasunduan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang maibalik na sa South Korea ang tone-toneladang basurang itinambak sa Mindanao International Container Terminal, sa Misamis Oriental.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, isinusulong nila ang ‘basel convention’, isang uri ng pandaigdigang kasunduan na naglalayong malimitahan ang paggalaw ng mga basurang mapanganib sa kalusugan ng tao sa pagitan ng mga bansa.

Tiniyak rin ni Antiporda na kanilang pananagutin ang consignee ng naturang shipment na isang South Korean firm.

Magugunitang, noong Hunyo pa umano dumating sa Misamis ang 1,500 na tonelada ng mga basura na nakasilid sa 51 containers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img