31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pag-iral ng ‘one-strike policy’ sa hanay ng PNP nananatili

- Advertisement -

Nananatili ang pag-iral ng one-strike policy sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang ibinabala ni PNP Chief Director General Oscar Albayade sa kanyang ipinatawag na commander’s hour o pulong sa lahat ng mga hepe ng regional, provincial, district, city at municipal police office sa Kampo Krame.

Ayon kay Albayalde, hindi bibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga mahuhuling pasaway na pulis at maging ang supervisor ng mga ito na maaaring masuspendi dahil sa command responsibility.

Aminado rin si Albayalde na nag-aalala na siya sa sunod sunod na mga kontrobersiya na kinasasangkutran ng mga pulis.

Tulad na lamang ng ulat ng umano’y panghahalay ng isang police officer instructor sa isang babaeng pulis sa Palawan gayundin ang paglutang ng sinasabing palit puri scheme.

Samantala, tinalakay naman sa kauna-unahang commander’s hour ang nakaambang pakikipag pulong ng mga lider komunista kay pangulong duterte, usapin ng terorismo, plebesito sa Mindanao para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) at ang 2019 midterm elections.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -