Sunday, April 28, 2024

Trillanes muling dumulong sa SC upang pigilan ang pagpapatupad ng Proclamation No. 572

- Advertisement -

Muling dumulog sa Korte Suprema si Senator Antonio Trillanes IV upang pigilan ang pagpapatupad ng Proclamation No. 572 na nagpapa-walang bisa sa amnestiya na iginawad ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa senador.

Sa isinumiteng tugon ni Trillanes ay hiniling nito sa Korte Suprema na maglabas ng writ of preliminary injunction.

Partikular na hiniling ng senador na mapigilan ang bahagi ng proklamasyon na nagbigay ng kapangyarihan sa Department of Justice (DOJ), na isulong ang lahat ng kriminal at administratibong kaso laban sa kaniya kaugnay ng naganap na Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Hotel Siege.

Depensa naman ng senador, sa pamamagitan ng amnestiya na iginawad sa kaniya ay nabasura ang lahat ng kaniyang mga kaso na kinikilala naman ng tatlong sangay ng gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -