30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Trillanes handang harapin ang kaso laban sa kanya ng PNP-CIDG

- Advertisement -

Nakahandang harapin ni dating senador Antonio Trillanes ang sedition at iba pang kaso na isinampa laban sa kanya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Kasama ni Trillanes na kinasuhan si Vice President Leni Robredo, iba pang miyembro ng oposisyon at ilang pari dahil sa video na, “Ang Totoong Narco List”.

Ayon kay Trillanes, malinaw na political persecution at harassment ang kaso dahil wala namang hawak na ebidensya ang CIDG kundi ang salayasay ni Jomel Advincula na anya’y ilang beses nang napatunayan na nagsisinungaling.

Tiniyak ni Trillanes na gagamitin nya ang pagkakataong ito upang mailabas ang ang kaugnayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -