Friday, May 10, 2024

Hustisya sa sanggol na ginahasa at pinatay sa Makati tiniyak ng Palasyo

- Advertisement -

Tiniyak ng Malacañang ang hustisya sa isang taong gulang na sanggol na lalaki na ginahasa at pinatay ng isang karpintero sa Makati City.

Kasunod na rin ito nang pagkundena ng Palasyo sa nasabing krimen.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipinag-utos na niya sa PNP ang malalimang imbestigasyon para kaagad maparusahan ang suspek na si Gerald Reparip na una nan ring umamin sa krimen.

Bagamat wala pang resulta ang drug test kay Eeparip, inihayag ni Panelo na ang nasabing krimen ay pagpapakita lamang nang pagsira ng mga sindikato ng droga sa lipunan at pamilya ng mga Pilipino.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -